Total Randomness

Marami akong naisip na kung ano ngayong araw na ‘to, kasama yung mga kalokohang narinig ko kahapon.

1. Masarap pala yung feeling na bina-bash ka dahil sa pagbibigay ng isang simpleng comment sa blog ng isang friend ko sa UST. It made feel that I’m superior. Check it out, nandito siya sa link na to, SC Resign Article by John Carlo Masajo. I posted my real name there (Jeriel), para malaman ng may-ari ng site na yun na ako yon. Salamat kay anon123 for supporting me. (I know you, pero I respect the fact na tinatago mo yung pangalan mo sa mga nagbabasa ng blog ni Carlo)

2. Nung pauwi ako, may nakita akong dalawang tao, isang lalake at isang babaeng magkaibigan (not lovers, friends). Tapos nagpakuha si lalake ng picture sa isang friend nya. Sabi nya, "Oh game, solo pic ha, solo." So ayun, pose pose siya. Tapos yung friend nyang babae, sumama sa picture. Wala lang. I was expecting na magra-rant yung lalake, "ANO BA?! SOLO NGA, EH!" Pero hindi, eh. Kung ako yon, siguro yun nga sinabi ko. Yung background nya yung giant Christmas tree sa tabi ng Araneta Colliseum, by the way.

3. Natandaan ko yung Eat Bulaga nung Monday. Napanood ko, and I noticed a new person there. Tinanong ko sa Lola ko kung may bago bang host sa Eat Bulaga. Sabi nya, "Ha? Sino?" Well, anyway, nasabi na rin naman ni Pia Guanio kung sino siya after kong tinanong si Lola. Si Lougee B. pala ng Mojofly. Nagtataka pa rin ako, hanggang ngayon, kung regular na ba siya don, o napadaan lang. Anyway, di ko na problema yon.

4. Nanonood ako ng Marimar kagabi, tapos may nakita akong scrolling letters sa baba. News flash about sa nangyari sa Batasan complex. May sumabog na bomba sa South Wing ng Batasan. Pinanood namin yung News Flash ng GMA nung nag-commercial na yung Marimar. Ayun, nakakuha kami ng info na may 4 na nasugatan, tapos isa don, si Rep. Henry Tevez. Ni-try namin sa ABS-CBN, pero walang news flash. Sa ANC naman, wala pa silang mabigay na pangalan kung sino yung na-injure. The next day, nalaman ko na yung total ng mga sugatan at namatay sa eksenang yun. 4 dead, 12 injured. Hmm… Itatago ko na lang muna yung mga hinala ko.

5. Nakita ko yung pamaypay ko na ginagamit ko dati sa school. Nakita ko ulet yung mga nakasulat don na mga quotes. Eto yung mga nakasulat:

a) It’s either you believe, or let your beliefs kill you. It’s your choice.

b) Ang girlfriend, di yan oxygen, na kapag mawala siya, mamamatay ka.

c) A bridge falls when one or both sides crumble, no matter how sturdy it was built.

d) Every light has its own darkness, but don’t let yours kill you.

e) In everything you do, there’s always a pain you avoid, and a pleasure you desire.

f) Happiness is a small interval between two desires.

Big thanks to my Philosophy professor, Ms. Leni Garcia for teaching quotes D and F. Salamat sa X ng isang friend ko for making me say to him quote B. Salamat sa isa kong friend na naging bridge ko to a former ano, at naisip ko yung quote C. Salamat sa Quantitative Methods professor ko ngayon, Prof. Eric Siy, for teaching us quote E. And lastly, TNA wrestler Sting, for saying quote A.

6. Nakita ko sa DLSU Website na pwede mo pala ma-email don yung mga prof. Di ko lang alam kung 100% na masesend sa kanila yung message mo. Parang… Ewan. ITC kasi namin yon, eh. Madalas na buggy pa naman yung system nila. Eh kailangan pa naman namin yung tulong ng prof namin sa Theology ngayon.

End of Randomness.

Leave a Reply