LU Live 2007 Weekend

Before I start, I’ll be cutting the "After the Hiatus" series because I’m too busy to continue that.

–o–o–o–o–o–o–o–o–

Kakapagod yung weekend, sobra! Compared to last year’s LU Live, mas stressing ‘to, kahit mas maliit yung crowd volume. Paano naman kasi, na-interview ako tapos napakita pa ako sa big screen. Napilitan ako, eh. Ayoko kasi iwanan sa ere yung mga friends ko na hinila para ma-interview din. So ayun, sinamahan ko sila, at nung tinanong ako, binigyan ko sila ng mahabang speech. Day 1 yan… Nung day 2, napunta na naman ako sa stage area, nagamit as a stage ninja. I liked that one, though, kasi nakakuha ako ng mga pictures. Tignan niyo sa Friendster profile ko yung picture na yun. Yung iba pang pics, nasa Multiply ko. My links dito sa blog ko to those sites.

LU Live Day 1:

Used the free shuttle service from Gateway to the World Trade Center. Kalahati ng bus, napuno ng mga Flyffers. Wala akong makausap. Naki-ride na lang ako sa kanila, kasi naglaro naman ako ng Flyff kahit konti. Meron pa nga sa kanila, umaasa sa Early Bird award. Tawa ako nang tawa sa loob ko, dahil di nila alam kung gaano katindi ang mga tunay na addict sa Online games na nilalaro namin. For sure naman kasi, may magka-camp out na the night before. Pagdating namin dun, ayun, gulat na gulat sila. Ako, ok lang. Di naman yun yung habol ko, eh. Moral support ako sa Perfect World: Tiger server nung araw na yun. Yung laban nila, 5pm pa. So naglibot muna ako, and waited for my friends to arrive. Nakita ko yung in-game adopted daughter ko sa Fenrir server, si Cloudmist (iRL, Louisa). Nag-usap muna kami tapos lumabas na ako para ipagpatuloy yung paghintay sa ibang mga friends ko. Pagdating nila, nagtanghalian kami sa Gumbo sa MoA.

Yung boyfriend nung kasama ko, na-adik sa salitang JAMBALAYA. Inuulit-ulit nya na yun na parang isang Pokémon. As in, pag kakausapin mo, ang sasagutin nya madalas eh, "Jambalaya". After nung lunch, naglaro kami sa Quantum Power Station bago kami bumalik sa WTC para mapanood yung laban ng Tiger at Dragon sa PW Championships.

Bago magsimula yung laban, ayun, nakahanap kami ng pwesto sa harap. BOOM, may nagtanong sa ‘min kung pwede kami ma-interview. ‘Di na rin kami makatanggi, kasi randomly selected eh. After nung interview, nagsimula na yung preparations para sa laban ng Tiger at Dragon. Pina-cheer ng mga host yung mga Dragon at Tiger server residents. Lamang na lamang yung Dragon nung bandang simula. Ang nangyari, nadalawahan sila ng Tiger. 2-0. Kala namin mananalo na yung Tiger. Tapos pina-cheer ulet yung mga tao. Biglang lumamang yung mga Tiger sa cheer. Ayun, natalo. 2-3. Champions ang Dragon. Dismayado kami, pero alam naman namin na binigay ng mga Tiger representatives ang kanilang best fight sa bawat round.

LU Live Day 2:

Pinunta ko sa araw na ‘to yung cosplay ng in-game wife ko sa Fenrir server, si Syl. Tapos yung ano rin, yung eyeball ng mga guild ko sa Fenrir, Alarius Eversor (AE) at Legends. Nag-lunch kami sa Jollibee ng mga guildmates ko sa AE, sa tapat ng DFA. After nun, bumalik na kami sa WTC. Pagdating ko don, biglang tinanong sa kin nung friend ko kung pwede ko raw bang tulungan si Syl sa on-stage play nila. Nung una, nag-doubt ako, pero nung nandun na ako, na-realize ko para sa kanya pala yung ginagawa ko. Binigyan nya ako ng regalo bago nun, para raw sa nagdaang birthday ko. In return, tinulungan ko sila don. Dahil don, I gained access to the cosplayers entrance. Picture picture picture~! Masaya ako, dahil nakakuha ako ng mga pictures, pero binura ko yung iba don, kasi ang laboooooooo. Sayang yung iba don, magaganda pa naman yung mga cosplayers at yung mga costume nila. Pero ok lang, nabawi ko naman dun sa picture ko with Syl cosplaying as Ragnarok Online’s Valkyrie and another girl cosplaying as Pangya’s Kooh. Ok na~

Yung araw rin na yun, kumpleto yung Ragnarok Family ko. Ako, si Syl, at si Louisa. May picture na naman kami, at masaya ako don. Minsan lang kasi kami makumpleto. Sa mga ganung event lang, yung magko-cosplay lang si Syl. Salamat at nagkaroon kami ng ganitong chance para magkasama kahit sandali lang. Para kasing pamilya ko na rin yung mga yun, eh. Matagal ko silang nakasama sa Fenrir. Nagkasawaan lang kami sa paglalaro. Mahirap na rin kasi magpalevel at mag-allot ng pera para sa gametime, so kahit in-game, di na rin kami masyado nagkikita. Nagpapasalamat ako sa chance na yun.

–o–o–o–o–o–o–o–o–

So ayun. Masaya ako at ganito ang mga nangyari sa LU Live. Para sa mga gustong tignan yung mga pictures sa event, check nyo na lang sa Multiply ko. May link ako dito. Pasensya na, medyo konti yung nilagay ko don. Nawalan kasi ako ng batt at memory eh.

Leave a Reply